Sumulong at Nagwagi

Ni Margoh B. Dela Paz

Ako po si Margoh B. Dela Paz tubong San Marcelino, Zambales. Noong taong 2014 ang pamilya ko po ay nagpasyang lumipat sa Tondo ,Manila at ito po yung taon na papasok na ako sa  grade 7.

Isa po ako sa mga mag-aaral na sakit sa ulo ng mga guro na naging dahilan ng school na isama sa mga estudyanteng “unclassified.”

Sa galit ng mga magulang ko noong malaman nila ang mga naging kalokohan ko sa school ay pinahinto na ako sa pag-aaral.

Simula noon ay naging out-of-school youth ako at nagtrabaho na lang sa Divisoria bilang kargador.

Noong una ay ayos lang dahil masaya ako sa mga kinikita ko at nagkaroon ako ng sarili kong pera. Di naglaon, na-realized ko na nakakasawa and nakakapagod din pala. Noong panahon na yon, tinanong ko ang sarili ko kung tatanda na akong kargador o porter.

Nabalitaan ko sa lugar namin na mayroon kaming kapitbahay na Alternative Learning System (ALS) teacher. Doon ako nagpasya na na gusto kong bumalik sa pag-aaral ulit and nagpaalam ako sa mga magulang ko sa plano ko.

Pumayag sila at lumapit agad ako sa nasabing ALS teacher na si Ma’am Joanna Marie Merced. Tinanong ko siya kung paano makakapag-enroll sa ALS dahil gusto ko na ulit mag aral.

Ongoing na rin ang ALS class noon and late na ako na nakapag-enroll. Masaya ako sa naging decision ko na mag-aral ulit. Nagsimula na akong magkaroon ng bagong buhay at nangangarap na.

Di kagaya ng regular school ay thrice a week lang ang pasok ko noon kaya napag sasabay ko pa rin ang magtrabaho and pag-aaral.

Noong taong 2016  pumasa ako sa Accreditation and Equivalency Exam, secondary level. Ito na ang “turning point” ng aking buhay kasi nalaman ko, hindi pa talaga huli ang lahat para mabago ko ang buhay ko.

Simula noong nag-ALS ako ay naging parte na ako ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc.  o KKFI, na isang non-government organization. Napag-alaman ko na pagkatapos ko makapasa ng ALS exam ay pwede akong mabigyan ng chance na makapag-apply para sa scholarship na isa sa mga programa ng KKFI.

Dahil wala naman talagang kakayahan ang mga magulang ko na mapag-aral ako sa college, sinunggaban ko ang opportunity na ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Alam ko kasi na ito ang chance ko para makapasok ng college.

Pagkatapos ng proceso ng pag-apply sa scholarship, isa ako sa maswerteng natanggap bilang scholar ng KKFI. Sobrang saya and grateful ko kasi mas nagiging malinaw sa’kin kung saan ako papunta.

Yaong taon ding yun ay nakapag-enroll ako agad sa college. Bachelor of Science in Criminology ang pinili kong kurso sa The University of Manila. Noong una, sobrang saya ko at overwhelmed kasi hindi ko akalain na makakapasok ako sa college. Sa una kong semestre, naculture-shock ako kasi from ALS to college agad. Sa adjustment period ay sobra akong nahirapan. Naalala ko noon sa English vocabulary pa lang nahihirapan na ako plus mga reporting and research pa. Sobrang nabigla ako noon na halos gusto ko na agad sumuko pero dahil may mga ate at kuya ako sa KKFI na todo suporta nahiya akong bigohin sila. They encouraged me na huwag sumuko, na magpatuloy lang at magtiwa sa sarili.

Nagtiwala ako at nagpatuloy, gradually natuto at nakapag-adjust hanggang natapos ang first semester. Included sa scholarship ko ang tuition fee, uniforms, transportation allowance, dorm rent and even books. Napaka swerte ko na scholar ako ng KKFI. Ganon pa man, hindi pa rin sapat ang nakukuha kong financial support galing mga magulang ko para sa iba ko pang pangangailangan. Hindi naman sapat ang kinikita nila at sa dami naming magkakapatid na nag aaral, hirap talaga sila.

Panganay ako sa anim na magkakapatid. Kaya kahit nagcollege na ako ay hindi parin ako huminto sa pagtatrabaho sa Divisoria. Kailangan ko pa rin magtrabaho to support my personal needs gaya meal allowance at school projects. Nahirapan ako sa set up dahil sa umaga gigising ako para pumasok sa school at pagkatapos ng klase sa hapon uuwi sa dorm para magpahinga dahil papasok naman ng trabaho kinagabihan.

Bawat semester na tinatapos ko ay mas lalong nagiging mahirap lalo na kapag sabay-sabay ang problema gaya ng family conflict and financial problems.

Dumating ako sa point na sobrang pagod na ako physically, mentally and emotionally. Ito yung panahon na halos gusto ko ng sukuan lahat. Pero dahil may tao na hindi ako pinabayaan at iniwan hanggang sa pinaka lowest point ng buhay ko, na nangaral at nagpapa-alala ng mga pangarap ko sa buhay. Mga ate at kuya na palaging nasa likod ko para gumabay at katulong sa pag overcome ng mga problema, na nagbigay pahinga sa mga nakakapagod na pagsubok.

Naging inspirasyon at lakas ko sila upang hindi sumuko. Ito yung mga tao na nag extend ng love nila for me. Most especially my KKFI family, friends, and my family.

“For me, being part of KKFI is a privilege and a blessing to my life.”

Kung iisipin ko ay sa KKFI ako mas natuto sa buhay at mas nangarap. Napaka swerte ko na naging part ako nito dahil from out-of-school youth ay masasabi ko na isa akong mabuting kabataan na may pangarap na sa buhay.

“KKFI gave me so much opportunity to experience more about life.” I remember, ALS student ako noon pero they made me experience the usual activities in a regular school. Mayroon akong  memories na nakadalo ng solidarity nights na kagaya ng ALS prom, sport fest, at career orientation test.

These unforgettable moments na kahit wala akong junior high school life ay mapalad ako na ipinaranas iyon sa’kin ni KKFI.

Time passed by, palagi akong sumama sa mga  Youth Leadership Training. Ito yung event na parati kong inaabangan at isa sa mga pinaka hindi ko makakalimutan. Dito ko mas na-build ang self-confidence ko,kung  paano humarap at makisama sa mga tao.

Yung mga Care Group Sessions, wherein all KKFI scholars gather together para magkamustahan, maglaro and to learn about words of God made me a better person.

Yung KKFI version ng Vacation Church School na tinawag na LikhAral (Create and Learn) ay naranasan ko magturo sa mga bata tungkol sa bibliya at ipinapakilala si Kristo.  Tinuturuan sumayaw, kumanta at magdrawing.

Naging parte din ako ng Teatro Kapatiran na kung saan kami ay naiimbitahan sa ibat ibang lugar para magperform at mag-advocate tungkol sa mga issues na pinagdaraanan ng kagaya kong kabataan..

Napakalaki ng mga naidulot nito sa paglago ko bilang isang kabataan.

Year 2020, dumating  si Covid-19. Lahat naman tayo apektado nito. Mas naghirap ang pamilya ko, 2021 graduating na ako pero hindi ako nakagraduate dahil sa epekto ng pandemya, sabayan pa ng malalang problema sa pamilya na umabot sa point na napalayas ako ng bahay.

Naging mas mahirap sa akin at nadelay pa lalo ang graduation ko. Taong 2022, during my adjustment period of independent living ay naaksidente naman ako. Sobrang suwerte ko dahil  malalalim na sugat lang ang natamo ko at walang bone fracture na maaaring makaapekto sa pangarap ko.

Sa mga hirap na pinagdaanan ko na ito ay kasama at karamay ko parin ang mga ate at kuya ko sa KKFI. Tinulungan nila akong makabangon muli at magpagaling.

Sa nangyaring aksidente ay naging dahilan iyon ng muling makapag-ayos kami ng aking pamilya.

Month of April 2022, ako ay nakagraduate na officially. Sobrang sarap sa pakiramdam, sobrang saya ko lalo na mga taong mahal ko sa buhay na nakasama ko during my college journey. Despite  all of what I’ve encountered during the process, finally nagbunga na. I will be forever grateful sa KKFI lalo na sa mga tao na tumulong sa’kin, sina ate Joanna, ate Glenda, ate Love, Kuya Vince, ate  Allysa, ate Annie, ate  Flor, my family and friends.

Sa aking pag-rereview para sa licensure exam, tumulong sina Ma’am Ruth Flores na kasalukuyang KKFI Board Chairperson at Ate Chona Ferrer para matustusan ang ilang gastusin. Nagboard exam ako noong June 2022 at maswerteng isa sa pumasa. Ako ay nag-oathtaking noong Setyembre 3, 2022 at isa ng ganap na licensed Criminologist.

To KKFI na naging pangalawang tahanan at pamilya ko. Napakalaking parte kayo sa success ko na makagraduate sa college. Ako pa lang ang nakapag tapos ng pag-aaral sa pamilya ko, gagamitin ko ang diploma at license ko upang makakuha ng stable job at tutulongan ang mga kapatid ko na makapag-aral. Kahit saan man ako mapunta, palagi kong dadalhin at hinding hindi masasayang ang mga natutunan ko sa inyo.

Thank you very much KKFI for molding me for who am I today at nagpapasalamat ako sa Panginoon for using KKFI as his instrument para mabago ang buhay ko. As I move forward in my life journey, I will always be grateful to God and KKFI.

Featured Posts
Join us in the Grand Opening of Good Eats @Klepper
Sa tulon ng KKFI, ako ay naglakas loob na sumulong patungo sa aking pangarap at nagwagi
Unti-unti naaabot ang pag-asang di inaalang matutupad
Ang mga karanasan ko sa KKFi ng siyam na taon ay humubog sa akin.
Ang KKFI ay naging tulay ng pag-asa para sa mga kabataang nahinto sa pag-aaral
Paddling hard through life to succeed
I learned many skills from KKFI
Online classes have its benefits besides being difficult due to financial and gadget requirements. I am also learning while the teacher teaches my son.
KKFI taught me skills to be an economically, emotionally and spiritual person
Binago ng KKFI ang buhay ko.
We were brought closer to each other.
Nagliwanag ang aking kinabukasan dahil sa KKFI
Thankful to God for His faithfulness.
Nanay Wilma Galacio is thankful for a lot of blessings.
Laking tulong ng KKFi sa amin.
Cancer in the family can be an opportunity to help.
Nagkaroon ng tiwala sa sarili.
Nabago ang kanyang buhay
Natuto akong mangarap
Kamangha-mangha ang galing sa pag-awit
SI Ate Love ang nagbigay ng pag-asa.
Alvin Cea found a family in KKFI.
Follow father's footstep
Perseverance pays off
Education during the pandemic
Our mission is to help others.
It is never to late to change.
Try harder
A child blossomed in KKFI Supervised Neighborhood Play.
A mother's love
KKFI: Transforming lives and communities
Ang mga tao ay nagsabing "Mamamatay sila sa gutom ngayong pandemic."
Damayan is sharing.
Teacher tells her experience with the new normal
Naging aktibo sa aktibidades ng KKFI.
Responding positively to the COIVD-19 pandemic.
Like Alice in Wonderland, Allysa learned something from the hole called COVID-19 pandemic.
Gilead staff are gearing up for the new normal.
KKFI will not give up on the youth.
Mga miyembro at opisyal ng NHOAI nagpapasalamat sa KKFI.
Nagpapasalamat sa KKFI.
Ang pagtulong ay bukal sa puso bilang pagtanaw ng utang na loob.
Isa sa pinakadisaster-prone na bansa ang Pilipinas ngunit mga tao ay may malasakit sa isa't isa.
KKFI Social Worker talks about helping the needy.
Maliit man ang papel na ginampanan, laking tulong pa rin sa kapwa.
KKFI is a home because like in my place in province, I can freely do whatever I want – meditate, study, rest, recreate…, less distraction.
Residents choose KKFI because it is their "home away from home."
These youth have experienced bullying and discrimination from their schoolmates and teachers. Their light might be dimmed but with KKFI they found the courage continue to shine.
The history of LikhAral
A KKFI scholar's story of transformation
Nagbigay ang Smarter Good ng desktop computers sa mga ALS learners