Liham ng Pag-Asa
Liham ng Pag-Asani John Lyod “JL” Ronquillo
Kamusta! Ako muli ito, si John Loyd “JL” Ronquillo, isang iskolar ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI) sa loob na ng limang taon.
Muli akong nagbabalik sa inyo upang ituloy ang naudlot kong istorya -- kwento ng pag-asa at paghihirap, paglaban at pagsuko, paniniwala at kalungkutan.
Ako ito, ang batang minsan ay naging instrumento ng kalungkutan at kaguluhan, ngunit ngayon ay nag-iba na ang ihip ng hangin at ako’y sumasagwan patungo sa tagumpay, kung saan naroroon ang aking mga pangarap.
Marami na ang nagbago sa mga nakasanayan ko, kabilang na ang aking sarili at ang pinaroroonan, mga bagay na inakala ko’y magiging paulit-ulit na lamang at walang katapusan. Nagkaroon na ito ng hangganan.
Marahil noon ay hindi ako nakakatanggap ng mga nakakakiliti sa tengang mga salita ng tagumpay at paghilom, ngunit totoong nararamdaman ko na ito.
Ako ay kasalukuyang nanunuluyan pa rin kasama ang aking lola sa luma naming tahanan. Nagtutulungan kami na mairaos ang araw-araw na buhay at maging ligtas sa lahat ng pagkakataon.
Tumutulong ako paunti-unti sa aming mga gastusin sa bahay, katulad ng pagbili ng ulam at pagbayad sa ilaw at tubig gamit ang aking nalilikom na ipon mula sa “part-time job” ko bilang isang “encoder.”
Kahit papaano ay nagiging sapat naman ang nalilikom ko na ipon upang makaraos kami ng aking lola sa pang-araw-araw, ngunit ayaw kong matigil na lamang sa ganitong kalagayan.
Napagtanto ko sa maikling panahon kong pamamalagi sa aking pinapasukang “part-time job” na ang pera ay sobrang hirap kuhanin at napakabilis maubos.
Dito ako nagkaroon ng reyalisasyon sa laging sinasabi ng aking lola na mahirap ang pagba-budget ng gastusin sa araw-araw.
Sa lahat ng pagsubok na binibigay sa atin ay wala tayong maaaring lampasan. Kailangan natin matutong lumaban at hindi magpatalo sa ating emosyon upang makapagpatuloy sa mapanghamong lagay ng mundo.
Nag-take ako ng Philippine National Police Academy Cadet Admission Test noong ika-29 ng Disyembre taong 2021 at nag-aantay ngayon ng resulta ng exam.
Pinalad na makaka-tuntong ako sa sumunod na “Admission Level,” na naganap noong Oktubre 2022. hangad ko na maipasa ito para sa aking kinabukasan at sa aking pamilya.
Maraming salamat sa mga tumulong sa akin. Unti-unti ko ng nakakamit ang aking pangarap