Smarter Good
SMARTER GOOD
Ang Smarter Good ay isang Non-Government Organization (NGO) kung saan tumutulong sila sa kapwa nilang NGO na magbigay ng mga resources na kanilang kinakailangan tulad ng Computers, Printers at kung ano pa ang pwede nilang mabigay na resources.
Isa ang Kapatiran, Kaunlaran, Foundation Inc. (KKFI) sa kanilang napiling tulungan na mabigyan ng resources na talagang magagamit ng mga kabataan ng KKFI. Nagbigay sila ng apat na Computers kung saan magagamit ito ng mga scholars at kapwa kong ALS students.
Malaking tulong sa mga scholars at kapwa kong ALS ang computer na kanilang binigay, dahil maisasama na ito sa pagtuturo sa ALS kung ano ang mga parts ng computer, at kung ano ang mga nilalaman nito. Tulad ng Microsoft Word, PowerPoint at Excel maraming kabataan ang hindi alam kung ano ang mga ito dahil wala sa kanila nagtuturo kung ano ito. Kaya sa tulong ng SmarterGood magagawa na ituro sa mga kapwa kong ALS at scholars kung saan maituturo na kung ano ang pinagmulan ng computer at kung paano gumamit ng Microsoft Office.
Malaki ding tulong ito sa mga scholars para gumawa ng kanilang mga assigments at reports.
Kaya maraming salamat sa Smarter Good sa kanilang binigay na mga computers sa mga kabataan ng KKFI.